Lucas 10:1-9
[1]Pagkatapos nito, pumili ang Panginoon
ng pitumpu't dalawa.
Sila ay isinugo niya nang dala-dalawa sa bawat bayan at
pook na
pupuntahan niya.
[2]Sinabi niya sa kanila, “Napakarami ng
aanihin ngunit kakaunti
ang mga mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari ng aanihin
na
magpadala siya ng mga mag-aani.
[3]Sige pumunta na kayo! Isinusugo ko
kayong parang mga tupa
sa gitna ng mababangis na asong-gubat.
[4]Huwag kayong magdala ng lalagyan ng
pera, bag, o sandalyas.
Huwag na kayong makikipagbatian kaninuman sa daan.
[5]Pagpasok ninyo sa alinmang bahay,
sabihin muna ninyo,
‘Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!’
[6]Kung maibigin sa kapayapaan ang
nakatira roon, tatanggapin
nila ang kapayapaan ninyo; ngunit kung hindi,
babalik sa inyo
ang inyong kapayapaan.
[7]Makituloy kayo sa bahay na iyan at
huwag kayong
magpapalipat-lipat ng tinutuluyan. Kainin ninyo at inumin ang
anumang ihain sa inyo sapagkat ang manggagawa ay may karapatang
tumanggap ng
sweldo.
[8]Kapag tinanggap kayo sa alinmang
bayan, kainin ninyo
ang anumang ihain sa inyo.
[9]Pagalingin ninyo ang mga maysakit at
sabihin sa mga tagaroon,
‘Malapit na kayong pagharian ng Diyos.’
Key
verse
[2]Sinabi niya sa kanila, “Napakarami ng
aanihin ngunit
kakaunti ang mga mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari
ng aanihin
na magpadala siya ng mga mag-aani.
Pamagat
: PANAHON NA NG ANIHAN
Paano
ba tayo magiging epektibong
Mang-aani
ng kaluluwa?
1.
Maging mapagdasal tayo
Lucas
10
[2]Sinabi
niya sa kanila, “Napakarami ng aanihin ngunit
kakaunti ang mga mag-aani. Idalangin
ninyo sa may-ari
ng aanihin na magpadala siya ng mga mag-aani.
- Sa
pag-akay ng kaluluwa para kay Cristo dapat maging
mapalanginin tayo dahil
hahadlang ang diyablo para hindi
natin sila madala sa Panginoon kaya ipanalangin
natin na
mabuksan ang puso nila kay Cristo
2.
Maging matapang tayo
Lucas
10
[3]Sige
pumunta na kayo! Isinusugo ko kayong parang mga
tupa sa gitna ng mababangis
na asong-gubat.
- Sa
pag-akay ng kaluluwa para kay Cristo dapat maging
matibay ang ating kalooban at
huwag tayong
Papasindak
sa kaaway ,maging palaban tayo para kay Cristo
3.
Maging mapagtiwala tayo
Lucas
10
[4]Huwag
kayong magdala ng lalagyan ng pera, bag,
o sandalyas. Huwag na kayong
makikipagbatian
kaninuman sa daan.
- Sa
pag-akay ng kaluluwa para kay Cristo dapat maging
mapagtiwala tayo kay Cristo
na siya ang bahala
kung
ano man ang mga pangangailangan natin , sagot tayo
ni Cristo in terms of
financial
4.
Maging magalang tayo
Lucas
10:5-6
[5]Pagpasok
ninyo sa alinmang bahay,
sabihin muna ninyo, ‘Maghari nawa ang kapayapaan
sa
bahay na ito!’
[6]Kung
maibigin sa kapayapaan ang nakatira roon,
tatanggapin nila ang kapayapaan
ninyo; ngunit kung
hindi, babalik sa inyo ang inyong kapayapaan.
- Sa
pag-akay ng kaluluwa para kay Cristo dapat maging
marespeto tayo at magalang sa
mga taong nais
Nating
dalhin kay Cristo , huwag nating
ipamukha na
maramin tayong alam at sila ay wala sa aspeto ng
pananampalataya
5. Maging
mapagpasalamat tayo
Lucas
10:7-8
[7]Makituloy
kayo sa bahay na iyan at huwag kayong
magpapalipat-lipat ng tinutuluyan. Kainin
ninyo at
inumin ang anumang ihain sa inyo sapagkat ang
manggagawa ay may
karapatang tumanggap ng sweldo.
[8]Kapag
tinanggap kayo sa alinmang bayan,
kainin ninyo ang anumang ihain sa inyo.
- Sa
pag-akay ng kaluluwa para kay Cristo dapat
maging mapagpasalamat tayo sa mga
taong tumanggap sa
Atin ,
anuman ang nakayanan nilang sukli sa pagbabahagi
natin ng gospel sa kanila magpasalamat
na tayo,
Huwag
tayong mapaghanap at maarte.
6.
Maging mapagmalasakit tayo
Lucas
10
[9]Pagalingin
ninyo ang mga maysakit at sabihin sa mga
tagaroon, ‘Malapit na kayong
pagharian ng Diyos.’
- Sa
pag-akay ng kaluluwa para kay Cristo dapat maging
mapagmalasakit tayo , ang
motibo natin ay hindi lang
Ipakilala
si Cristo sa kanila kundi concern din tayo sa
ibang bagay para sa kanila gaya ng maipanalangin sila
No comments:
Post a Comment