Lucas 10:25-37
[25]Isang dalubhasa sa kautusang Judio
ang lumapit kay Jesus upang siya'y subukin. “Guro, ano ang dapat kong gawin
upang magkaroon ako ng buhay na walang hanggan?” tanong niya.
[26]Sumagot si Jesus, “Ano ba ang
nakasulat sa Kautusan? Ano ba ang nababasa mo roon?”
[27]Sumagot ang lalaki, “‘Ibigin mo ang
Panginoon mong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa, buong lakas, at buong
pag-iisip;’ at ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong
sarili.’”
[28]Sabi ni Jesus, “Tama ang sagot mo.
Gawin mo iyan at magkakamit ka ng buhay na walang hanggan.”
[29]Upang huwag siyang lumabas na
kahiya-hiya, nagtanong pa ang lalaki, “Sino naman ang aking kapwa?”
[30]Sumagot si Jesus, “May isang taong
naglalakbay mula sa Jerusalem papuntang Jerico. Hinarang siya ng mga tulisan,
kinuha pati ang damit sa kanyang katawan, binugbog, at iniwang halos patay na.
[31]Nagkataong dumaan doon ang isang
paring Judio. Nang makita ang taong nakahandusay, lumihis siya at nagpatuloy sa
kanyang paglakad.
[32]Dumaan din ang isang Levita, ngunit
nang makita niya ang taong binugbog, lumihis din ito at nagpatuloy sa kanyang
paglakad.
[33]Ngunit may isang Samaritanong
naglalakbay na napadaan doon. Nakita niya ang biktima at siya'y naawa.
[34]Nilapitan niya ito, binuhusan ng langis
at alak ang mga sugat at binendahan. Pagkatapos, ang lalaki ay isinakay ng
Samaritano sa kanyang asno at dinala ito sa bahay-panuluyan upang maalagaan
doon.
[35]Kinabukasan, binigyan niya ng
dalawang salaping pilak ang may-ari ng bahay-panuluyan, at sinabi, ‘Heto,
alagaan mo siya, at kung higit pa riyan ang iyong magagastos, babayaran ko sa
aking pagbalik.’”
[36]At nagtanong si Jesus, “Sa palagay
mo, sino kaya sa tatlo ang naging tunay na kapwa ng taong hinarang ng mga
tulisan?”
[37]“Ang taong tumulong sa kanya,” tugon
ng abogado. Kaya't sinabi sa kanya ni Jesus, “Sige ganoon din ang iyong gawin.”
Keyverse
Lucas 10:25-37
[25]Isang dalubhasa sa kautusang Judio
ang lumapit kay Jesus upang siya'y subukin. “Guro, ano ang dapat kong gawin
upang magkaroon ako ng buhay na walang hanggan?” tanong niya.
Pamagat
;
"Asamin
ang Buhay na Walang Hanggan "
Paano
ba matatamo ang buhay na walang hanggan?
1. Mahalin ang Diyos ng buo
[27]Sumagot ang lalaki, “‘Ibigin mo
ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa, buong lakas, at buong
pag-iisip;’ at ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong
sarili.’”
[28]Sabi ni Jesus, “Tama ang sagot mo.
Gawin mo iyan at magkakamit ka ng buhay na walang hanggan.”
A.
Buong puso
27]Sumagot ang lalaki, “‘Ibigin mo ang
Panginoon mong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa, buong lakas, at
buong pag-iisip;’
-
buong puso dahil puso natin ang nagpapasya sa pagpili ng tama at mali
B.
Buong kaluluwa
27]Sumagot ang lalaki, “‘Ibigin mo ang
Panginoon mong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa, buong lakas, at
buong pag-iisip;’
-
buong kaluluwa dahil kapag namatay ka, haharap ka pa sa Diyos
C.
Buong lakas
27]Sumagot ang lalaki, “‘Ibigin mo ang
Panginoon mong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa, buong lakas, at
buong pag-iisip;’
-
buong lakas dahil kapag mahina ka na ano pa ang magagawa mo para sa Diyos
D.
Buong pag-iisip
27]Sumagot ang lalaki, “‘Ibigin mo ang
Panginoon mong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa, buong lakas, at buong
pag-iisip;’
-
buong pag-iisip dahil ang isipan ay maaring mabulag sa kamalian
2. Mahalin ang kapwa gaya ng
sarili
[27]Sumagot ang lalaki, “‘Ibigin mo ang
Panginoon mong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa, buong lakas, at buong
pag-iisip;’ at ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong
sarili.’”
[28]Sabi ni Jesus, “Tama ang sagot mo.
Gawin mo iyan at magkakamit ka ng buhay na walang hanggan.”
A. Ang pagmamahal sa kapwa ay may habag sa kapwa
Lucas
10
[33]Ngunit
may isang Samaritanong naglalakbay na napadaan doon. Nakita niya ang biktima at
siya'y naawa.
-
kung mahal mo ang kapwa mo, hindi ka magbubulag bulagan sa kalagayan ng kapwa
mong nangangailangan
2. Ang pagmamahal sa kapwa ay
may pagmamalasakit sa kapwa
Lucas
10
[34]Nilapitan
niya ito, binuhusan ng langis at alak ang mga sugat at binendahan. Pagkatapos,
ang lalaki ay isinakay ng Samaritano sa kanyang asno at dinala ito sa
bahay-panuluyan upang maalagaan doon.
-
kung mahal mo ang kapwa mo,hindi ka mag aatubiling damayan ang kapwa mong
nangangailangan
3. Ang pagmamahal sa kapwa ay
may panahon sa kapwa
Lucas
10
[34]Nilapitan
niya ito, binuhusan ng langis at alak ang mga sugat at binendahan. Pagkatapos,
ang lalaki ay isinakay ng Samaritano sa kanyang asno at dinala ito sa
bahay-panuluyan upang maalagaan doon.
-
kung mahal mo ang kapwa mo, hindi kaabalahan sa iyo ang mabigyan mo ng oras ang
kapwa mong nangangailangan
4. Ang pagmamahal sa kapwa ay
nagbibigay sa kapwa
Lucas
10
[35]Kinabukasan,
binigyan niya ng dalawang salaping pilak ang may-ari ng bahay-panuluyan, at
sinabi, ‘Heto, alagaan mo siya, at kung higit pa riyan ang iyong magagastos,
babayaran ko sa aking pagbalik.’
-
kung mahal mo ang kapwa mo, hindi kalugihan sa iyo ang tumulong sa kapwa
mong nangangailangan