Sunday, June 26, 2016

Lucas 10:1-9 , July 3, 2016 - " PANAHON NA NG ANIHAN "

Lucas 10:1-9
[1]Pagkatapos nito, pumili ang Panginoon ng pitumpu't dalawa. 
Sila ay isinugo niya nang dala-dalawa sa bawat bayan at pook na 
pupuntahan niya.
[2]Sinabi niya sa kanila, “Napakarami ng aanihin ngunit kakaunti 
ang mga mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari ng aanihin na 
magpadala siya ng mga mag-aani.
[3]Sige pumunta na kayo! Isinusugo ko kayong parang mga tupa 
sa gitna ng mababangis na asong-gubat.
[4]Huwag kayong magdala ng lalagyan ng pera, bag, o sandalyas. 
Huwag na kayong makikipagbatian kaninuman sa daan.
[5]Pagpasok ninyo sa alinmang bahay, sabihin muna ninyo, 
‘Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!’
[6]Kung maibigin sa kapayapaan ang nakatira roon, tatanggapin 
nila ang kapayapaan ninyo; ngunit kung hindi, babalik sa inyo 
ang inyong kapayapaan.
[7]Makituloy kayo sa bahay na iyan at huwag kayong 
magpapalipat-lipat ng tinutuluyan. Kainin ninyo at inumin ang 
anumang ihain sa inyo sapagkat ang manggagawa ay may karapatang
 tumanggap ng sweldo.
[8]Kapag tinanggap kayo sa alinmang bayan, kainin ninyo 
ang anumang ihain sa inyo.
[9]Pagalingin ninyo ang mga maysakit at sabihin sa mga tagaroon,
 ‘Malapit na kayong pagharian ng Diyos.’

Key verse

[2]Sinabi niya sa kanila, “Napakarami ng aanihin ngunit 
kakaunti ang mga mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari 
ng aanihin na magpadala siya ng mga mag-aani.

Pamagat : PANAHON NA NG ANIHAN

Paano ba tayo magiging epektibong
Mang-aani ng kaluluwa?

1. Maging mapagdasal tayo

Lucas 10
[2]Sinabi niya sa kanila, “Napakarami ng aanihin ngunit 
kakaunti ang mga mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari 
ng aanihin na magpadala siya ng mga mag-aani.

- Sa pag-akay ng kaluluwa para kay Cristo dapat maging 
mapalanginin tayo dahil hahadlang ang diyablo para hindi 
natin sila madala sa Panginoon kaya ipanalangin natin na 
mabuksan ang puso nila kay Cristo

2. Maging matapang tayo

Lucas 10
[3]Sige pumunta na kayo! Isinusugo ko kayong parang mga 
tupa sa gitna ng mababangis na asong-gubat.

- Sa pag-akay ng kaluluwa para kay Cristo dapat maging 
matibay ang ating kalooban at huwag tayong
Papasindak sa kaaway ,maging palaban tayo para kay Cristo

3. Maging mapagtiwala tayo

Lucas 10
[4]Huwag kayong magdala ng lalagyan ng pera, bag, 
o sandalyas. Huwag na kayong makikipagbatian 
kaninuman sa daan.

- Sa pag-akay ng kaluluwa para kay Cristo dapat maging 
mapagtiwala tayo kay Cristo na siya ang bahala
kung ano man ang mga pangangailangan natin , sagot tayo 
ni Cristo in terms of financial

4. Maging magalang tayo

Lucas 10:5-6
[5]Pagpasok ninyo sa alinmang bahay, 
sabihin muna ninyo, ‘Maghari nawa ang kapayapaan
sa bahay na ito!’
[6]Kung maibigin sa kapayapaan ang nakatira roon, 
tatanggapin nila ang kapayapaan ninyo; ngunit kung 
hindi, babalik sa inyo ang inyong kapayapaan.

- Sa pag-akay ng kaluluwa para kay Cristo dapat maging 
marespeto tayo at magalang sa mga taong nais
Nating dalhin kay Cristo ,  huwag nating ipamukha na 
maramin tayong alam at sila ay wala sa aspeto ng
pananampalataya

5. Maging mapagpasalamat tayo

Lucas 10:7-8
[7]Makituloy kayo sa bahay na iyan at huwag kayong 
magpapalipat-lipat ng tinutuluyan. Kainin ninyo at 
inumin ang anumang ihain sa inyo sapagkat ang 
manggagawa ay may karapatang tumanggap ng sweldo.
[8]Kapag tinanggap kayo sa alinmang bayan, 
kainin ninyo ang anumang ihain sa inyo.

- Sa pag-akay ng kaluluwa para kay Cristo dapat 
maging mapagpasalamat tayo sa mga taong tumanggap sa
Atin , anuman ang nakayanan nilang sukli sa pagbabahagi 
natin ng gospel sa kanila magpasalamat na tayo,
Huwag tayong mapaghanap at maarte.

6. Maging mapagmalasakit tayo

Lucas 10
[9]Pagalingin ninyo ang mga maysakit at sabihin sa mga 
tagaroon, ‘Malapit na kayong pagharian ng Diyos.’

- Sa pag-akay ng kaluluwa para kay Cristo dapat maging 
mapagmalasakit tayo , ang motibo natin ay hindi lang
Ipakilala si Cristo sa kanila kundi concern din tayo sa 
ibang bagay para sa kanila gaya ng maipanalangin sila